For TL not to issue disciplinary action notice and for me to be able to look for part-time job

Submitted by: Ro-An

Mama Mary,

Bagama’t nagpapasalamat ako dahil ang return-to-office schedule namin ay sa May 16 pa, pero mukhang mapapa-resign ako at any time at ayokong maunahan ng hearing na posibleng umabot sa termination.

Nagka-autofail ako sa QA ako last time, and pangatlo na ito. The first and 2nd autofail ko was February pa. Since nangangamba ako na baka mapapelan ako anytime within this week, naiisip ko nang magsubmit ng resignation letter at mag-render. Pero sana, hayaan nila akong mag-render at huwag nilang i-speed up ang pagpapaalis sa akin.

Hindi ko wino-worry yung magiging end-of-month QA score ko. Ang wino-worry ko? Baka at any rate mawalan na ako ng trabaho.

Kung hindi ako papapelan ng TL ko, at coaching lamang ito, well, that would be great. Pero still, iniisip ko na rin mag-resign kasi baka hindi ko na din kayanin ang mag-work onsite in the long run dahil na rin sa lagay ng Daddy ko, kaya habang nag-iisip akong mag-submit ng resignation letter at mag-render, nawa’y makahanap ako ng kahit part-time job man lang, like data entry, transcription, text-based tutor, para may pagkakakitaan pa po ako habang nagrerender. At para may back-up job ako in the event na tapos na ang last day ko.

I understand that my prayers must be specific, pero ang importante, for now, makahanap ako ng part-time job na legit magpasahod. Nawa’y buksan niyo po ang opportunity para sa akin na kumita ng malaki-laki dahil gearing na ako maging full breadwinner. Pero bago mangyari yun, huwag sana akong isyuhan ng corrective measure ng TL ko anytime.

Mama Mary please intercede for me, despite all my shortcomings, and let me achieve what I am aiming for.

Amen.